Kaso ng leptospirosis sa Quezon City, tumaas ng 108.27%

 

Tumaas ang kaso ng leptospirosis sa Quezon City.

Base sa talaan ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance, umabot na sa 277 ang naitalang kaso ng leptospirosis sa lungsod mula January 1 hanggang October 7, 2023.

Mas mataas ito ng 144 o 108.27% kumpara noong 2022.

Nabatid na ang District 2 ang may pinakamaraming naitalang kaso na may bilang na 72 kaso, samantalang District 5 naman ang may pinakamababang bilang na may 28 kaso.

Tatlumpu’t tatlo (33) na ang naiulat na leptospirosis related death sa lungsod.

Pinapayuhan ang lahat na kaagad magtungo sa mga health center o ospital kung kayo ay nakakaranas ng mga sintomas ng leptospirosis.

 

Read more...