Presyo ng gasolina tataas; presyo ng diesel at kerosene bababa

October 14, 2023 - 02:21 PM

 

Tataas ang presyo ng gasolina sa susunod na linggo.

Ayon sa abiso, nasa P0.40 hanggang P.70 kada litro ang itataas sa gasolina.

Ito ang unang pagkakataon na tataas ang presyo ng gasolina ngayong buwan ng Oktubre.

Bababa naman ang presyo ng diesel at kerosene.

Nasa P0.90 hanggang P1.20 ang ibababa ng diesel kada litro habang nasa P0.80 hang P1 ang ibababa sa kada litro ng kersone.

Ito na ang ikaapat na beses na bumaba ang presyo ng diesel at kerosene.

TAGS: gasoline, news, oil product, Radyo Inquirer, taas presyo, gasoline, news, oil product, Radyo Inquirer, taas presyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.