Southeast Asian Nations tutulong sa Pilipinas sa pagpapauwi sa mga Pinoy sa Israel

 

Tutulungan ng mga bansang kasapi sa Southeast Asian Nations ang Pilipinas sa pagpapauwi sa mga Filipino na naiipit sa gulo sa Israel.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega, international approach ang gagamitng estratihiya sa pagresponde sa krisis dahil sa panggugulo ng militanteng grupong Hamas.

“The President also directed the Department of Foreign Affairs to contact other countries and also through the embassies in Manila to provide critical assistance in looking for Filipinos who are unaccounted for, and to help the Philippines in getting them out of Gaza,” pahayag ni de Vega.

“At the same time, ASEAN countries have also approached us for help, at the same time, they offered help. For example, Indonesia is offering to help Filipinos who want to leave the West Bank. While they have no presence in Gaza, obviously, but they have citizens in Gaza so they are asking our assistance. So, it’s an international approach,” sabi ni de Vega.

Kailangan aniyang sumang-ayon ng Israel at Egypt sa humanitarian corridor para makadaan sa border ang mga Filipino at makalabas ng Gaza.

Sa ngayon, 92 na Filipino sa Gaza ang nais nang umuwi ng Pilipinas.

“And in the President’s words, what is critical now is Gaza and let’s keep exploring all possible exit options. You already know that he has met the Israeli ambassador who has promised that no civilians are being targeted,” sabi ni de Vega.

 

Read more...