3,651 na pabahay sa Laguna at Quezon, ipatatayo ng NHA
Nasa 3,651 na pabahay ang ipatatayo ng National Housing Authority sa Laguna at Quezon.
Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, ang mga pamilyang naapektuhan ng Philippine National Railways (PNR) South Long Haul Project-Segment 3 ang makikinabang sa bagong pabahay ng pamahalaan.
Sabi ni Tai, nasa 1,099 na kabahayan ang ipatatayo sa St. Barts Southville Heights, Laguna habang nasa ang nasa Villa del Rancho Homes sa Tiaong, Quezon ay bubuo ng 620 na pabahay; 619 pabahay naman sa Banahaw View Residences sa Candelaria, Quezon; 663 pabahay sa Sariaya Residences, Sariaya, Quezon; at 650 yunit sa Vista del Rio Residences, Pagbilao, Quezon.
Ayon kay Tai, kumpleto sa mga pasilidad ang mga ipatatayong pabahay tulad ng tatlong palapag na gusali ng paaralan na may 15 silid-aralan, multipurpose covered court, palengke, health center, training center, terminal ng traysikel, material recovery facility, at isang outpost ng pulisya.
“Bilang suporta sa mga hangarin at layunin ng Bagong Pilipinas ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos, at alinsunod na rin sa programang Build Better and More Housing ng NHA, asahan po ninyo ang ahensya ay patuloy na makikipagtulungan sa iba pang sangay ng gobyerno, mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor upang matulungan nating mailunsad ang mga programang pabahay para sa mga kababayan nating nangangailangan nito,” pahayag ni Tai.
Nagsagawa na ang NHA ng ceremonial groundbreaking ng bagong housing projects sa Brgy. San Bartolome, San Pablo City, Laguna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.