Mga guro humingi ng proteksyon para sa kanilang mga karapatan

By Jan Escosio October 13, 2023 - 05:21 PM

E-NET PHOTO

Nagtipon-tipon ang ilang guro, na miyembro ng ibat-ibang organisasyon, para ilabas ang kanilang mga saloobin at mga hamon sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin at responsibilidad.

  Sa Leader’s Forum, na inorganisa ng E-Net Philippines at isinagawa sa Quezon City, nagbigay ang mga guro ng kaniang kasagutan sa tanong na “Matatag o Matagtag ba ang Daan para sa Guro?”   Si Prof.  Flora Arellano, board member ng E-net Philippines, ang nagsabi na ang paglalakbay ng mga guro ay puno din ng balakid at kahirapan kabilang na ang siksikan na mga silid-paaralan, kapos na kompensasyon at kakulangan ng mga guro.   Ngunit aniya sa kabila nito ay tinatahak pa rin ng mga guro ang landas na may dakilang layunin at pagnanais na makapagbahagi ng positibong epekto sa mga mag-aaral.   Sa mensahe naman ni Sen. Sherwin Gatchalian, pinapurihan nito ang mga guro sa kanilang hindi matatawarang dedikasyon sa kabila ng mga hamon at paghihirap.   Si Gatchalian, ang namumuno sa Senate Committee on Basic Education, at isinulong niya ang Magna Carta for Public School Teachers na ang layon na mapataas ang kalidad ng edukasyon ng mga guro at kanilang pagsasanay kayat naging batas ang RA 11713 o ang Excellence in Teacher Education Act. “Teachers are both workers and duty-bearers. They have rights and needs that must be protected and supported to enable them to fulfill their roles as duty-bearers responsible for providing quality education to all.” Teachers’ groups called on government to Recognize teachers as both workers and duty-bearers; Protect and support teachers’ rights, well-being, and dignity; and Elevatethe status of the teaching profession,” ang pahayag ng E-Net na binasa ng ni Alvelyn Berdan, ang kanilang national coordinator.

Ilang guro ang nagbahagi din ng kanilang mga karanasan sa pagharap sa mga hamon at iginiit nila na ang pagtataguyod ng kanilang mga karapatan, dignidad at kapakanan

 

 

TAGS: E-Net Philippines, education, Gatchalian, teachers, E-Net Philippines, education, Gatchalian, teachers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.