Estrada at Revilla bills kontra online content piracy suportado ng Globe
By Jan Escosio October 13, 2023 - 05:18 PM
Nagpahayag ang Globe Telecom sa panukalang amyendahan ang Intellectual Property Code para labanan ang “online content piracy.”
Kinilala ng Globe na ang magkahiwalay ng panukala nina Sen. Jinggoy Estrada at Ramon “Bong” Revilla Jr., ay magbibigay proteksyon sa industriya ng mga malikhaing Filipino, maging sa mga online consumers. May counterpart bill sa Kamara ang naturang panukala, ang House Bill 7600 ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda at ito ay lumusot na sa third and final reading. Ang RA 8293 ay naipatupad noon pang 1997, kung kailan hindi laganap ang online content piracy. “The Globe Group recognizes the urgent need to modernize the Intellectual Property Code, especially in the face of growing online threats such as online content piracy. It’s crucial to safeguard our creative industries, their workforce, and consumers who might unknowingly access malicious links on pirated websites, jeopardizing their personal data,” ani Globe Chief Sustainability and Corporate Communications Officer. Yoly Crisanto. Palalakasin ng pag-amyenda sa IPC ang memorandum of understanding na nilgadaan kamakailan ng Intellectual Property of the Phils. (IPOPHL) at Globe kasama ang mga nangungunang Internet Service Providers sa bansa. Layon ng MOU, na kauna-unahan sa Asya, na bumuo nmg isang blocking mechanism laban sa pirate sites. Ang Globe ay may kampaniya na #PlayRight initiative na kontra sa online content piracy at nagsusulong sa pagbibigay proteksyon sa content creators.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.