20 sasakyan ng MMDA nakahanda na para sa transport strike ng grupong Manibela

By Chona Yu October 13, 2023 - 05:10 PM

 

Nasa 20 sasakyan ng Metro Manila Development Authority ang ipakakalat sa Metro Manila sa Lunes.

Ito ay bilang paghahanda sa ikinakasang transport strike ng grupong Manibela sa Lunes.

Ayon kay MMDA General Manager Undersecretary Procopio Lipana, gagamitin ang mga sasakyan na umasiste sa mga pasaherong mangangailangan.

Nagsagawa ng inter-agency meeting ang MMDA kasama ang iba pang ahensiya ng pamahalaan para talakayin ang contingency plan sa ikinakasang tigil pasada.

Ayon kay Lipana, magkakaroon ng multi-agency command center sa MMDA Communications and Command Center para i-monitor ang mga mangyayari sa napipintong transport strike.

Ipinag-utos din ni Lipana ang single dispatch sa mga assets o sasakyan ng local government units at ng mga barangay kung saan ipupwesto ang mga ito sa strategic areas para mabilis na magamit ng mga inaasahang maapektuhang pasahero.

TAGS: Metro Manila, mmda, news, Radyo Inquirer, tigil pasada, transport strike, Metro Manila, mmda, news, Radyo Inquirer, tigil pasada, transport strike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.