P270 bilyong high-impact projects, inaprubahan ng NEDA

By Chona Yu October 13, 2023 - 03:21 PM

 

Inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board, sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang high-impact projects na nagkakahalaga P270 bilyon.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, tinukoy ni NEDA Secretary Arsenip Balisacan ang mga proyekto na kinabibilangan ng Dialysis Center Public-Private Partnership (PPP) Project para sa Renal Center Facility ng Baguio General Hospital Medical Center (BGHMC).

Layon nitong palawakin ang dialysis unit ng nasabing pagamutan sa pamamagitan ng karagdagang 108 Hemodialysis (HD) machines, palakasin ang serbisyo sa hemodialisys treatments at para mabawasan ang gastos ng mga pasyente.

Kasama rin sa tinalakay ang upgrade, expansion, operations and maintenance ng Bohol-Panglao International Airport.

Ito’y para suportahan ang pagbangon mula sa pandemya at isulong ang bagong konsepto ng ‘Green’ and ‘Connected’ airports.

Ayon kay Balisacan, napag-usapan rin sa NEDA Board meeting ang Cebu Bus Rapid Transit (CBRT) Project at ang Bataan-Cavite Interlink Bridge (BCIB) Project.

 

 

TAGS: Balisacan, neda, news, radyon inquirer, Balisacan, neda, news, radyon inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.