Isa pang Filipino ang kumpirmadong nasawi dahil sap ag-atake ng militanteng grupo na Hamas sa Gaza Strip sa Israel.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega, isang 49 anyos na babae ang pinakahuling Filipino na nasawi.
Nagtatrabaho aniya bilang caregiver ang babae at tubong Negros Occidental.
Sumailalim aniya sa DNA test ang bangkay ng caregiver.
Dahil dito, umakyat na sa tatlong Filipino ang nasawi.
Ayon kay de Vega, nakikipag-ugnayan na ang embahada ng Pilipinas sa kapatid na babae ng biktima na nasa Kuwait ngayon.
Ito ay para na ayusin ang pagpapauwi sa bangkay ng biktima sa Piliipnas.
Tatlo pang Filipino ang nawawala at patuloy na pinaghahanap.
Umaasa si de Vega na nagtatago lamang sa mga bunker o bomb shelter ang tatlong Filipino.
Matatandang isang 42-anyos na lalaki na taga-Pampanga at isang 33 anyos na babae na taga-Pangasinan ang nasawi sa Israel.