(Update) Idikneklara nang fire under control kaninang 6:35pm ang malaking sunog na tumupok sa mga kabahayan sa Carlos St. Brgy. Baesa sa Quezon City.
Kaninang 3:49pm ay itinaas sa Task Force Charlie ang alarma sa sunog na nagsimula pasado alas-dos ng hapon.
Mabilis ang naging pagkalat ng apoy dahil gawa sa mga light materials ang mga kabahayan.
Naging mahirap din sa mga bumbero ang pagpasok sa gitna ng sunog dahil sa dami ng mga residenteng nag-uunahan na isalba ang kanilang mga kagamitan maliban pa sa masikip na mga daan.
Sa paunang report ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Quezon City ay wala naming naireport na sugatan o kaya’y nawawala dahil sa naturang sunog.
MOST READ
LATEST STORIES