1,537 Palestinian patay sa gulo sa Israel

By Chona Yu October 13, 2023 - 08:17 AM

 

Umabot na sa 1,537 na Palestinian ang nasawi mula nang sumiklab ang gulo sa Israel.

Ayon sa Palestinian Ministry of Health, nasawi ang mga Palestinian nang simulant ng Israel ang strikes sa Gaza matapos ang paglusob ng grupong Hamas.

Kabilang sa mga nasawi ang 500 bata at 257 na babae.

Nasa 6,612 naman ang naiulat na nasugatan at isinugod sa pagamutan.

Patuloy ang pag-atake ng Israeli jets sa Gaza Strip bilang tugon sa terror attack ng Hamas.

Complete siege na ang ginagawa ngayon ng Israel sa Gaza.

Nasa 150 katao ang nanatiling hostage ng Hamas base sa ulat ng Israeli authorites.

Pinutol na rin ng Israel ang suplay ng kuryente, tubig at fuel sa Gaza hanggat hindi pinakakawalan ng Hamas ang mga bihag.

 

TAGS: giyera, israel, news, Palestine, Radyo Inquirer, giyera, israel, news, Palestine, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.