Walang epekto sa presyo ng produktong agrikultura sa bansa ang giyera sa Israel.
Ayon kay Department of Trade and Industry Undersecretary Joey Concepcion, ito ay dahil sa kaunti lamang ang produktong inaaangkat ng Pilipinas sa Israel.
Sabi ni Concepcion, nasa technical digital platforms at vertical agriculture lamang ang ugnayan ng dalawang bansa.
Ayon sa opisyal, nasa mga bansang kasapi sa Association of Southeast Asian Nations kumukuha ng produkto ang Pilipinas.
Saka lamang aniya tataas ang presyo ng produktong agrikultura sa bansa kung may tatamang bagyo o iba pang uri ng kalamidad.
Mananatiling matatag aniya ang presyo ng mga bilihin hanggang sa matapos ang taong kasalukuyan.
Kung mayroon man aniyang direktang epekto ang gulo sa Israel, ito ay ang trabaho ng mga overseas Filipino workers.