Repatriation sa mga Pinoy sa Israel, ikakasa kapag nabuksan na ang humanitarian corridors

Agad na magsasagawa ng repatriation ang Pilipinas para maiuwi sa bansa ang mga Filipino oras na bukas na ng Israel ang humanitarian corridors.

Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nakikipag-ugnayan na ngayon ang pamahalaan sa Israel para matiyak ang kaligtasan ng mga Filipino.

Una nang sinabi ng Armed Forces of the Philippines na may nakahanda ng dalawang C-130 at isang C-295 para gamitin sa pagpapauwi sa mga Filipino.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, nasa 70 Filipino na ang nagpahayag ng interes na umuwi ng Pilipinas.

Read more...