Ilang opisyal ng DA at mga negosyante, kakasuhan ng DOJ dahil sa onion smuggling
Sasampahan ng kaso ng Department of Justice ang ilang opisyal ng Department of Agriculture at ilang mga negosyante.
Ito ay may kaugnayan sa smuggling ng sibuyas sa bansa.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, kabilang sa kakasuhan sina suspended DA Assistant Secretary Kristine Evangelista, Bureau of Plant Industry OIC Glenn Panganiban at Agribusiness and Marketing Assistance Service OIC Junibert De Sagun.
Kasong paglabag sa Anti-Graft Law at Revised Administrative Code ang isasampa laban sa kanila sa korte at Office of the Ombudsman.
Habang sa mga pribadong indibidwal naman na kinabibilangan ng mga opisyal ng Bonena Multipurpose Cooperative na sina Israel Reguyal, Mary Ann Dela Rosa, at Victor Dela Rosa Jimenez ay mga kasong hoarding, profiteering, falsification of private documents at paggamit ng falsified documents ang isasampa.
Posible namang madagdagan pa ito habang patuloy ang imbestigasyon ng DOJ.
Pagtiyak ng opisyal malakas at marami ang mga ebidensya na hawak ng DOJ laban sa respondents kaya kampante sila na isampa ito sa korte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.