Pangulong Marcos nakausap na ang pamilya ng dalawang Pinoy na nasawi sa Israel
(Palace photo)
Hindi pababayaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pamilyang naulila ng dalawang Filipino na nasawi sa gulo sa Israel.
Ito ay matapos makausap sa telepono ni Pangulong Marcos ang pamilya ng dalawang Filipino.
Sabi ni Pangulong Marcos, ito na ang pinakamahirap na tawag sa telepono na kanyang nagawa bilang pinuno ng bansa.
“Last night, I made two of the most difficult phone calls I’ve had to make as President. The nation is one in grieving with the families of the Filipinos who were killed in the attacks on Israel,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“We will provide the utmost support to the families they were taken from. This tragedy will not deter our spirit. We will continue to stand for peace,” pahayag ng Pangulo.
Isang 33 anyos na babaeng Filipino caregiver na taga-Pangasinan ang niratrat ng grupong Hamas.
Tinangay naman ng Hamas bago pinatay ang 42 anyos na lalaking Filipino na taga-Pampanga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.