Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kakampihan ng Pilipinas ang Israel matapos ang pag-atake ng militanteng Palestinian grupong Hamas.
Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag sa pakikipagpulong kay Israeli Ambassador Ilan Fluss sa Malakanyang kahapon ng hapon.
Pinasalamatan ni Pangulong Marcos ang pamahalaan ng Israel sa pag-rescue sa 20 Filipino na naipit sa gulo.
Sa ngayon, ligtas na ang 20 Filipino.
Kabilang sa mga nailigtas ng Israel Defense Forces (IDF) ang mga overseas Filipino workers (OFWs) mula sa bayan ng Kibbutz Be’eri na malapit na sa Gaza Strip kung saan sentro ang gulo.
Sa naturang pagpupulong, binigyan ng briefing ni Ambassador Fluss si Pangulong Marcos kaugnay sa pinakahuling sitwasyon sa Israel.
Tiniyak din ni Ambassador Fluss kay Pangulong Marcos na ginagawa ng Israel ang lahat ng paraan masiguro lamang ang kaligtasan ng mga Filipino.
Nababahala si Pangulong Marcos sa tatlo pang Filipino na ngayon ay patuloy na pinaghahanap pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.