Parañaque City acting PB Shannin Olivarez ipina-blotter ang pananakit ng kapatid

October 11, 2023 - 08:48 PM

Pag-ibig ang pinag-ugatan ng sigalot ngayon sa magkakapatid na Olivarez ng Parañaque City.

At nauwi ito sa pagpapa-blotter pa ni Barangay San Isidro officer-in-charge Shannin Olivarez sa diumanoy pananakit sa kanya ng kapatid na si Eva Olivarez.

Nangyari ang insidente nang komprontahin si Shannin ng mga kapatid ukol sa napabalitang pagpapakasal niya kay Atty. Jonathan Bernardo, na dating kagawad ng barangay.

Matindi ang galit kay Bernardo nina Mayor Eric Olivarez at Rep. Edwin Olivarez sa una dahil ito ang nagsampa ng reklamong katiwalian sa huli nang ito pa ang alkalde ng lungsod.

Sa pagharap-harap ng magkakapatid, pina-amin si Shannin sa ulat na ikinasal na ito kay Bernardo, hindi siya nagbigay ng tuwirang sagot kundi nakiusap ito na irespeto na lamang siya dahil inirerespeto niya ang mga ito.

Sa pagpupumilit ni Eva na mapa-amin ang kapatid ay nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo na humantong na sa pananakit kay Shannin.

May hawak pa ang kampo ni Shannin na video ng pananakit sa kanya at binanggit niya ito sa pagpapa-blotter sa barangay.

Ngayon ay magkatunggali sina Eva at Shannin sa pagka-punong barangay ng San Isidro.

 

 

TAGS: barangay, elections, paranaque city, barangay, elections, paranaque city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.