Transgender solon hindi problemado sa gagamiting C.R sa Kamara

By Isa Avendaño-Umali June 28, 2016 - 03:44 PM

Roman
Photo: Isa Umali

Masyadong maraming problema ang bansa lalo ang kanyang distrito para problemahin kung anong palikuran  sa Batasan Complex ang gagamitin.

Yan ang pahayag ni Bataan Rep. Geraldine Roman, ang kauna-unahang Transgender Solon sa kasaysayan ng Kamara.

Sa panayam, sinabi ni Roman na gusto niyang linawin ang isang libelous na ulat daw ng Inquirer hinggil sa isyu.

Giit ng neophyte solon, hindi niya sinabi na ‘concern’ o inaalala niya kung saan siya magsi-C.R sa Batasan.

Kinumpirma ni Roman na ini-akyat na niya ang usapin sa Ombudsman ng Inquirer na nagbigay naman umano sa kanya ng tsansa para muling ma-interview, i-rectify ang sarili at maipahayag ang katotohanan.

Ani Roman, parehong dating Kongresista ang kanyang mga magulang at batid niya na may CR sa mga opisina ng bawat Mambabatas.

Sa kabila nito, pagtitiyak ni Roman na marami siyang plano para sa kanyang distrito at gagawin niya ang lahat ng makakaya para maisakatuparan ang mga ito.

Dagdag niya, isa siya sa magtutulak para sa pagpasa sa Anti-Discrimination Bill sa Kongreso.

TAGS: 17th congress, roman, transgender, 17th congress, roman, transgender

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.