Center for the Elderly binuksan ng Taguig LGU para sa “EMBO” senior citizens
Bilang bahagi ng kanilang Transformative, Lively, and Caring Agenda, binuksan ng pamahalaang-lungsod ng Taguig ang Center for the Elderly sa Barangay Pembo para sa senior citizens ng “EMBO” barangays.
May 100 senior citizens ng Barangay Pembo ang unang nakalasap ng mga benepisyo ng pasilidad gaya ng sauna and massage sessions, foot spas, movie screenings, at refreshments.
Layon ng administrasyon ni Mayor Lani Cayetano na may lugar ang mga nakakatanda para sila ay makapag-relax at mas maging komportable sa pamamagitan ng therapy pool, clinic, sauna and massage room, cinema/mini theater, multi-purpose hall/recreational area, at rooftop garden.
Nasa naturang center din ang Taguig Geriatric Program, na inilunsad sa pakikipagtulungan St. Luke’s Medical Center, para sa mga kinakailangan komprehensibong serbisyong pangkalusugan, kasama ang konsultasyon ng mga doktor.
Inaalok din sa center ang libreng memory, visual, and hearing skills assessment at mayroon din lectures at forums ukol sa depression, dementia, osteoporosis, at eating habits.
Agad na pinuri ng 66-anyos na si Bienvenido C. Gonzalez Jr., ng Barangay Pembo, ang center gayundin ang mga staff, sabay pasasalamat sa pamahalaang lungsod dahil sa pagbibigay halaga sa senior citizens.
“Maganda ang mga facilities. Magagaling din ang mga nag-aassist. Libangan talaga ng mga senior kaya maraming salamat. Sana maakit ‘yung ibang senior na pumasyal. Ako at aking mga kasamahaan na nagpunta rito ay nagpapasalamat sa pamahalaang lungsod ng Taguig. Alam po namin na mas priority niyo ang mga matatanda kaya salamat po sa pagbibigay ng oportunidad para sa ganitong pagtitipon na pati isip mo ay marerelax,” aniya.
Kuwento naman ng 74-anyos na si Felicidad Paloma, a 74-year-old, nasiyahan siya sa libreng massage at ito aniya ang dahilan para maging regular ang kanyang pagbalik-balik sa center.
“Very good yung pagmasahe sa akin nawala yung sakit ng likod ko. Nawala din yung tusok-tusok sa paa ko. Kapag may chance, babalik at babalik ako rito. Nirerekomenda ko ang mga seniors na manood ng sine dito at maglibang-libang, hindi ‘yung parati lang nasa bahay,” aniya.
Susunod naman na bibigyan ng tour sa center ang senior citizens mula sa Barangays Rizal, East Rembo, Cembo, Post Proper Southside, Pitogo, Comembo, Post Proper Northside, South Cembo, at West Rembo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.