Pagkamatay ng 1 pang Pinoy kinukumpirma, pagpatay ng Hamas sa 2 Pinoy idinetalye
May isa pang nasawi sa gulo sa Israel na may posibilidad na isa din Filipino.
Ayon kay Philippine Vice Consul Patricia Narajos, sumasailalim pa sa DNA test ang bangkay para matukoy kung ito ay Filipino.
Kasabay nito, naglabas na ang gobyerno ng karagdagang detalye ukol sa dalawang Filipino na kabilang sa mga unang pinatay ng grupong Hamas.
Ang dalawa, isang 42-anyos na lalaki na tubong-Pampanga at isang babae na tubong-Pangasina at anim na taon nang nagta-trabaho sa Israel.
Ayon kay Philippine Labor Attache to Israel Rodolfo Gabasan, kabilang sa mga binihag ang taga-Pampanga nang lusubin ng grupong Hamas ang Gaza Strip.
“Iyong isa po ay habang pinupuwersa ng militanteng mga terorista iyong kanilang pinto, pagbukas po ng pinto, niratrat po iyong mag-amo, iyong caregiver at saka iyong kaniyang amo. Iyong isa po ay pinatay pero hindi po namin alam kung anong circumstance pero isa po siya doon sa mga natangay ng Hamas sa kasagsagan po ng pananalasa ng mga terorista,” pahayag ni Gabasan,
Sinabi naman ni Vice Consul Patricia Narajos na sa ngayon tatlong Filipino pa ang hindi nahahanap habang 26 ang na-rescue at isa ang nasugatan.
Nakalabas na rin aniya sa ospital at nagpapagaling na ang isa pang Filipino na nabiktima ng smoke inhalation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.