Nasa 795 na may-ari ng sari-sari store ang nabigyan ng ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Maynila.
Ayon kay Manila Vice Mayor Yul Servo, tig P15,000 ang ibinigay na tulong-pinansiyal sa mga taga-Districts 1 at 2.
Base na rin ito sa utos ni Pangulong Marcos Jr. na ayudahan ang mga tindera na naapektuhan ng Executive Order 39 o ang pagtatakda sa presyo ng bigas.
Sabi pa ni Servo, kailangan lamang na magsumite ng mga may-ari ng sari-sari store ng mga dokumento na magpapatunay na lehitimong nagbebenta ng bigas.
Bukas naman ay nasa 534 na mga may-ari ng sari-sari store ang bibigyan ng ayuda sa Districts 3, 4, at 6.
Sa Biyernes ay nasa 690 na mga may-ari ng sari-sari store ang bibigyan sa District 5.
MOST READ
LATEST STORIES