PBBM Jr. nalungkot sa pagkamatay ng 2 Pinoy sa Israel

By Chona Yu October 11, 2023 - 01:11 PM

OP PHOTO

Ikinalungkot ni Pangulong  Marcos Jr. ang pagkamatay ng dalawang Filipino sa digmaan sa pagitan ng Israael at grupong Hamas.

“My heart is heavy upon hearing confirmation of the deaths of two Filipinos in Israel. The Philippines condemns these killings and stands firmly against the ongoing terror and violence,” pahayag ni Pangulong Marcos, na sinabi ding patuloy na susuportahan ng pamahalaan ang mga Filipinong apektado ng gulo sa Israel.

Sabi pa nito, patuloy na isusulong ng pamahalaan ng Pilipinas ang kapayapaan bilang pagtalima na rin sa United Nations (UN) resolutions at international laws.

Una nang kinumpirma ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo na dalawang Filipino ang nasawi sa Israel.

“The Philippines condemns the killing of two Filipino nationals and all other acts of terrorism and violence as a result of Hamas actions against Israel,” pahayag ni Manalo.

Una nang inatasan ni Pangulong Marcos Jr. ang Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na hanapin at tiyaking ligtas ang lahat ng mga overseas Filipino workers at ng kanilang mga pamilya sa Israel.

TAGS: DFA, DMW, israel, OFWs, OWWA, DFA, DMW, israel, OFWs, OWWA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.