BuCor nakipagkasundo sa kampaniya kontra droga sa Bilibid
Nakipagkasundo ang Bureau of Corrections (BuCor) sa ibat-ibang ahensiya para sa paglaban sa droga sa pambansang piitan at sa iba pang mga piitan na nasa pangangasiwa ng kawanihan sa buong bansa.
Pumirma sa memorandum of agreement sina BuCor Dir. Gen. Gregorio Pio Catapang, National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Asst. Dir. Gen. for Counter-Intelligence Rolando Asuncion, PNP Chief Benjamin Acorda Jr., at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Dir. Gen. Virgilio Moro Lazo.
Magsisilbing daan ang kasunduan sa pagbuo ng Inter-Agency Collaborative Group (AICG).
Pangunahing mandato ng grupo ang paglaban sa drug trafficking sa correctional and prison facilities at penal farms ng BuCor.
Pag-amin ni Catapang sa kabila nang mas pinahigpit na hakbangin patuloy na nakakapasok ang mga kontrabando, kabilang na ang droga, sa kanilang mga pasilidad.
Pagbabahagi din ng opisyal na 70 hanggang 80 porsiyento ng mga nakakukulong ay dahil sa droga.
Kumpiyansa naman ito na sa pamamagitan ng kasunduan ay mababawasan ng husto kundi man matutuldukan ang drug trafficking sa kanilang mga pasilidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.