Impeachment laban kay Duterte kalokohan ayon kay Belmonte

By Isa Avendaño-Umali June 28, 2016 - 03:35 PM

Sonny Belmonte
Photo: Isa Umali

Zero’ ang tsansa na magtagumpay ang anumang impeachment laban kay President-elect Rodrigo Duterte.

Ito ang tahasang sinabi ni outgoing House Speaker Feliciano Belmonte sa gitna ng umano’y bantang pagpapatalsik sa pwesto sa bagong pangulo.

Sa panayam sa Kamara, iginiit din ni Belmonte na isang malaking kalokohan at intriga lamang na i-ugnay ang Liberal Party sa impeachment kay Duterte.

Ani Belmonte, mas mainam na bigyan ng pagkakataon si Duterte na patakbuhin ang gobyerno, nang walang usaping-impeachment.

Dagdag ng reelected Quezon City congressman, nasaksihan at naging bahagi rin siya ng ilang impeachment proceedings gaya ng kay dating Pangulong Joseph Estrada, dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona at iba pa kaya masasabi niyang mahirap at malabo ang pagpapatalsik kay Duterte.

Matatandaang si Duterte mismo ang nagsabi na hindi siya takot sa impeachment kaya itutuloy niya ang kanyang mga pangako sa publiko, kahit sino pa ang matamaan o masagasaan.

TAGS: 17th congress, belmonte, duterte, impecahment, 17th congress, belmonte, duterte, impecahment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.