Pagpatay sa dalawang Filipino ng Hamas group kinondena ng DFA

Kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ang pagpatay sa dalawang Filipino sa Israel ng mga kasapi ng militanteng Hamas group.

Sa kanyang social media account, nagpahayag na ng pagkondena si Manalo sa pangyayari.

Kasabay nito ang kanyang pagkondena sa terorismo at iba pang uri ng karahasan na ginagawa ng nabanggit na grupo.

Sinabi pa ng kalihim na nakahanda ang Pilipinas na makipagtulungan sa iba pang mga bansa sa pagsusulong sa kapayapaan alinsunod sa mga resolusyon ng United Nations Security Council at mga pandaigdigang batas.

Pagtitiyak ni Manalo na patuloy na magbibigay tulong ang gobyerno sa mga Filipino na naiipit sa matinding kaguluhan.

Read more...