Transportation Sec. Bautista idinawit sa korapsyon sa LTFRB, alegasyon itinanggi
Nadamay na si Transportation Secretary Jaime Bautista sa ibinunyag na katiwalian sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Base sa alegasyon ni dating LTFRB executive assistant Jeffrey Tumbado, ibinahagi ni Manibela national chairperson Mark Valbuena na si suspended LTFRB chairperson Teofillo Guadiz III ang naghahatid ng pera sa opisina ni Bautista.
Ang pera ay mula sa koleksyon diumano sa singil sa prangkisa, bagong ruta at maging ang “quota” ng regional directors ng ahensiya.
Mariin naman nang itinanggi ni Bautista ang alegasyon at naghamon siya na maglabas ng mga ebidensiya.
Una nang lumutang si Tumbado at isiniwalat ang mga alam niyang katiwalian sa LTFRB na humantong sa pagsuspindi ng Malakanyang kay Guadiz.
Samantala ang grupong Pasang Masda ay nagpahayag ng suporta kay Guadiz at ayon kay national president Ka Obet Martin mismong si Tumbado ang sangkot sa katiwalian kayat sinuspindi ni Guadiz.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.