Ayon kay Senador Vicente “Tito” Sotto III na kung hindi malalagdaan ang 25 na panukalang batas na nasa mesa ni Pangulong Aquino ay hindi na mapapakinabangan ang mga ito sa susunod na administrasyong Duterte.
Paliwanag ni Sotto na kung umabot sa mahigit sa 60 araw na inuupuan at hindi inaaksyunan ang panukalang batas na nasa ibabaw ng lamesa ng pangulo bago matapos ang Hunyo 30, mapapaso na ang mga ito at hindi na ganap na magiging batas.
Kabilang sa 25 mga panukalang batas ang hindi pa rin nilalagdaan ni Pangulong Aquino ang anti-carnapping, at Foreign Ownership Act.
Habang binaril na ni outgoing President Aquino ang ilang panukalang batas, kabilang na ang karagdagang pensyon sa mga miyembrong SSS.