25 panukalang batas ng 16th Congress, posibleng mawalan ng saysay

By Jong Manlapaz June 28, 2016 - 01:15 PM

senate-0812Posibleng mauwi lang sa wala ang 25 na panukalang batas na pinaghirapang sinsinin ng senado at kongreso, dahil hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nalalagdaan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang mga ito.

Ayon kay Senador Vicente “Tito” Sotto III na kung hindi malalagdaan ang 25 na panukalang batas na nasa mesa ni Pangulong Aquino ay hindi na mapapakinabangan ang mga ito sa susunod na administrasyong Duterte.

Paliwanag ni Sotto na kung umabot sa mahigit sa 60 araw na inuupuan at hindi inaaksyunan ang panukalang batas na nasa ibabaw ng lamesa ng pangulo bago matapos ang Hunyo 30, mapapaso na ang mga ito at hindi na ganap na magiging batas.

Kabilang sa 25 mga panukalang batas ang hindi pa rin nilalagdaan ni Pangulong Aquino ang anti-carnapping, at Foreign Ownership Act.

Habang binaril na ni outgoing President Aquino ang ilang panukalang batas, kabilang na ang karagdagang pensyon sa mga miyembrong SSS.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.