Filipino caregiver kabilang sa mga napatay sa Hamas attack?

By Jan Escosio October 10, 2023 - 03:41 PM
Bineberipika na ang ulat na isang overseas Filipino worker (OFW) ang kabilang sa mga napatay sa pag-atake ng Hamas militant group sa Gaza Strip. Sinabi ni Philippine Ambassador to Israel Junie Laylo na isang kinikilalang pinuno ng isang Filipino community ang nag-ulat ukol sa pagkamatay ng isang Filipino caregiver. Ayon kay Laylo kailangan na beripikahin pa ang ulat dahil walang naibigay na mga karagdagang detalye. May limang Filipino pa ang nawawala, samantalang 23 ang nailigtas ng mga puwersa ng Israel. Kabilang naman sa nailigtas ang ginagamot sa ospital dahil sa mga tinamong sugat.

TAGS: Hamas, israel, news, Palestine, Radyo Inquirer, Terror attack, Hamas, israel, news, Palestine, Radyo Inquirer, Terror attack

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.