DOH: Mga bagong kaso ng COVID 19 mas mataas ng 3 porsiyento
By: Jan Escosio
- 1 year ago
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,264 bagong kaso ng COVID 19 sa nakalipas na isang linggo.Ang naitalang bilang noong Oktubre 2 hanggang Oktubre 8 ay mataas ng tatlong porsiyento kumpara sa naitala noong Setyembre 25 hanggang Oktubre 1.Labindalawa sa mga bagong kaso ang kritikal o malubha ang kalagayan.Bukod pa dito, nananatiling may 272 na kritikal ang kondisyon ang mga nasa ibat-ibang ospital.Nabatid na 186 sa 1,526 ICU beds ang kasalukuyang okupado.