DOH: Mga bagong kaso ng COVID 19 mas mataas ng 3 porsiyento

By Jan Escosio October 10, 2023 - 03:21 PM
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,264 bagong kaso ng COVID 19 sa nakalipas na isang linggo. Ang naitalang bilang noong Oktubre 2 hanggang Oktubre 8 ay mataas ng tatlong porsiyento kumpara sa naitala noong Setyembre 25 hanggang Oktubre 1. Labindalawa sa mga bagong kaso ang kritikal o malubha ang kalagayan. Bukod pa dito, nananatiling may 272 na kritikal ang kondisyon ang mga nasa ibat-ibang ospital. Nabatid na 186 sa 1,526 ICU beds ang kasalukuyang okupado.

TAGS: COVID-19, department of health, news, Radyo Inquirer, COVID-19, department of health, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.