Chiz isinusulong ang automatic promotion sa magreretirong gov’t employees

By Jan Escosio October 10, 2023 - 01:03 PM
Gusto ni Senator Chiz Escudero  na mabigyan ng awtomatikong promosyon ang magreretirong kawani ng gobyerno. Sa inihain niyang Senate Bill No. 297, nais niya na maging pabaon sa magreretirong kawani ang mas mataas na salary grade. Ang promosyon sa pagreretiro ay katulad sa mga pulis at sundalo. Paliwanag ng senador, layon ng kanyang panukala na kilalanin ang paglilingkod at serbisyo ng magreretirong kawani. Dagdag pa nito ang mas mataas na suweldo ang pagbabasehan ng retirement benefits. Nakasaad sa panukala ang pagbuo ng Civil Service Commission (CSC) katuwang ang Department of Budget and Management at Government Service Insurance System (GSIS) ng nararapat na guidelines at regulasyon sa pagpapatupad nito sakaling maging ganap na batas.

TAGS: chiz escudero, news, promotion, Radyo Inquirer, salary grade, chiz escudero, news, promotion, Radyo Inquirer, salary grade

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.