Gulo sa Israel at Palestine, maliit ang epekto sa produktong agrikultura sa Pilipinas

October 10, 2023 - 12:52 PM

 

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na maliit lamang ang epekto sa produktong agrikultura sa bansa ang gulo sa pagitan ng Israel at Palestine.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary for Operations Arnel de Mesa, matagal nang ka-partner ng Pilipinas ang Israel.

“The Israel government has been a long-time partner of the DA in various initiatives particularly in water management and fertilization, and so we hope for the immediate resolve of the conflict in the Middle East,” pahayag ni de Mesa.

Nabatid na ginagamit sa Pilipinas ang Israeli-technology na fertigation para sa drip irrigation ng palay sa bansa.

Tinatangkilik na aniya ng mga magsasaka sa Pilipinas ang fertigation.

“Aside from innovative farm and water systems, we have longstanding trade partnerships with Israel,” pahayag ni de Mesa.

Matagal na aniyang bumibili sa bansa ang Israel ng desiccated coconut, pineapple juice at concentrates, at iba pang mixtures.

Noong nakaraang taon lamang, umabot sa3 ,441,855 kilograms ng ibat ibang produkto ang nai-export ng Pilipinas sa Israel.

Bahagi rin aniya ng importasyon ng dalawang bansa ang orange, grape juice at fructose.

 

TAGS: giyera, israel, news, Palestine, Pilipinas, Radyo Inquirer, giyera, israel, news, Palestine, Pilipinas, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.