Pre-trial conference sa hacker ng Comelec website, ipinagpaliban

By Erwin Aguilon June 28, 2016 - 12:58 PM

Paul Biteng / INQUIRER FILE PHOTO
Paul Biteng / INQUIRER FILE PHOTO

Ipinagpaliban ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 32 ang pre-trial conference sa nang-hack ng website ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon sa mga staff ni Judge Thelma Bunyi-Medina ito ay dahil sa dumadalo sa isang seminar ang hukom kasama ang iba pang huwes.

Muling itinakda ng korte ang pagdinig sa August 9 ng taong kasalukuyan dakong alas 8:30 ng umaga.

Si Paul Louie Biteng na umamin sa mga tauhan ng National Bureau of investigation (NBI) na nang-hack sa website ng Comelec bago ang eleksyon ay naaresto sa Sampaloc, Maynila.

Nauna ng naghain ng not guilty plea ang akusado nang isalang ito sa pagbasa ng sakdal noong May 10 para sa kasong paglabag sa Anti Cyber Crime Law.

 

TAGS: paul biteng, paul biteng

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.