Biyahe sa Israel inirekomenda ng Ph Embassy na suspindihin muna
By Jan Escosio October 10, 2023 - 10:21 AM
Dahil sa lumalalang sitwasyon, inirekomenda ng Philippine Embassy sa Tel Aviv ang “indefinite suspension” ng biyahe patungo sa Israel.
Sa abiso, sinabi ng embahada na ipagpaliban na lamang ang biyahe hanggang sa maging maayos na ang sitwasyon.
Nanatiling bukas naman ang Ben Gurion International Airport, ang pangunahing paliparan sa Israel at nagpapatuloy pa rin ang pagbiyahe mula Pilipinas hanggang Israel.
Nagpayo din ang embahada na sa mga Filipino na may nakatakdang biyahe sa Israel, makakabuti na tawagan muna ang kanilang travel agency para kumpirmahin na hindi nasuspindi ang kanilang biyahe.
Samantala, nagpatupad na ng “total blockade” ang gobyerno ng Israel sa Gaza Strip.
Ipinag-utos ang pagputol sa suplay ng tubig, komunikasyon at kuryente sa naturang lugar at hindi na rin papayagan ang pagpasok ng mga pagkain at iba pang pangangailangan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.