Mahigit 1,000 katao patay sa lindol sa Afghanistan

 

Patay ang mahigit 1,000 katao matapos yanigin ng 6.3-magnitude na lindol ang Herat province sa Afghanistan.

Tuloy ang ginagawang rescue operation ng mga awtoridad para mailigtas ang ibang survivor sa lindol.

Ayon sa United Nations, mahigit 500 katao pa ang naiulat na nawawala.

Nahihirapan ang mga rescuers dahil sira ang mga kalsada at linya ng komunikasyon.

 

Read more...