Pagpapawalang bisa sa extension sa SOCE filing, ibinasura ng SC

By Chona Yu June 28, 2016 - 12:51 PM

PDI Photo / Jocelyn Uy
PDI Photo / Jocelyn Uy

Ibinasura ng Korte Suprema ang kahilingan na ipawalang bisa ang resolusyon ng Commission on Elections (Comelec) na nagpapalawig sa deadline ng paghahain ng statement of contributions and expenditures (SOCE).

Una rito naghain ng petition for certiorari si Atty. Manuelito Luna na first nominee ng 1-Abilidad party-list group para ipawalang bisa ang ipinasang resolusyon ng poll body.

Ang deadline para sa SOCE filing ay itinakda ng Comelec noong June 8, 2016, pero humirit ang kampo ni Liberal Party bet Mar Roxas na palawigin pa ito ng hanggang June 30.

Pinagbigyan naman ito ng poll body kung kaya dumulog sa Mataas na Hukuman ang 1-Abilidad party-list group.

Noong June 22 nang maisumite ni Roxas sa Comelec ang kaniyang SOCE.

 

TAGS: SOCE extension, SOCE extension

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.