Go ikinatok sa gobyerno ang bawas-kain ng mga Filipino

By Jan Escosio October 09, 2023 - 07:09 PM

OSBG PHOTO

Nanawagan si Senator Christopher Go sa ilang ahensiya ng gobyerno na gumawa ng mga hakbang sa matataas na presyo ng mga pangunahing bilihin at pagbaba ng halaga ng pera ng mga Filipino.

Ginawa ito ni Go matapos lumabas sa Pulse Asia survey na 95 porsiyento ng pamilyang Filipino ay ibinahagi na tumaas ang gastusin sa pagkain sa nakalipas na tatlong buwan.

Sa mga sumagot, 53 porsiyento ang nagsabi na binawasan na lamang nila ang konsumo sa pagkain.

Ani Go nakakabahala ang resulta ng survey na isinagawa noong Setyembre 10 hanggang 14.

“Unahin po natin ang mahihirap nating kababayan. Dapat po tutukan natin ang inflation sa ngayon. ‘Yan talaga ang pinaka-problema  natin, yung tumataas ang presyo ng mga bilihin,” aniya.

Naniniwala ang senador na may magagawa sa isyu ang Department of Trade and Industry (DTI), Department of Health (DOH), at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Aniya dapat ay bantayan ng DTI ang paggalaw sa presyo ng mga bilihin at sa DSWD naman ay nanawagan siya na ituloy ang pagbibigay ng mga suporta at ayuda, samantalang sa DOH ay ang pagbibigay ng mga impormasyon ukol sa mahahalagang nutrisyon na kinakailangan ng katawan sa kabila nang pagbawas sa pagkain.

TAGS: doh, dswd, dti, go, Inflation, pulse asia, doh, dswd, dti, go, Inflation, pulse asia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.