Bigtime price rollback sa diesel, gasolina at kerosene

INQUIRER PHOTO

Mapapangiti kahit paano ang mga motorista bukas dahil sa “bigtime price rollback” sa mga produktong petrolyo.

Sa magkakahiwalay na anunsiyo ng mga kompaniya ng langis, P3.05 ang mababawas sa presyo ng kadas litro ng gasolina, P2.45 sa diesel o krudo, samantalang P3 naman sa kerosene.

Ang pagbaba ng mga presyo ay bunsod naman inaasahan na kabawasan sa pangangailangan sa langis.

Magsisimula ang paggalaw sa mga presyo alas-12:01 mamayang hatinggabi at karamihan ay ala-6 ng umaga bukas at mayroon din na alas-4 pa ng hapon babaguhin ang kanilang presyo.

Base sa datos mula sa Department of Energy (DOE), sa pagpasok ng taon, nadagdagan na ng P15.30 ang presyo ng kada litro ng gasolina, P13.80 sa diesel at P8.94 naman sa kerosene.

Noong nakaraang araw ng Linggo, naging epektibo ang P1 provisional fare hike sa jeepney at pinayagan ito dahil sa napakataas na presyo ng diesel.

 

 

Read more...