Teknolohiya ipinagagamit ni Binay kontra human trafficking

By Jan Escosio October 09, 2023 - 06:35 PM

SENATE PRIB PHOTO

Naniniwala si Senator Nancy Binay na malaki ang maitutulong ng teknolohiya sa kampaniya ng gobyerno laban sa human trafficking.

Sa pagdinig ng 2024 budget ng Department of Justice (DOJ) sa Senado, sinabi ni Binay na sa pamamagitan ng teknolohiya magkakaroon ng positibong pagbabago sa paglaban ng Bureau of Immigration (BI) sa human trafficking.

Kasabay nito aniya, mabibigyan proteksiyon para ang karapatan na makabiyahe ng mga Filipino.

Nabanggit ng senadora na sa pamamagitan ng teknolohiya maaring makapagsagawa ng “background check” sa pasahero o may “software” din aniya para malaman kung lehitimo ang dahilan ng pagbiyahe.

”I also understand that it is very difficult to balance the need to prevent human trafficking and the need to respect the rights to travel of our countrymen…but more than that, maybe the use of technology to background check or a software to trace if a person is in the criteria of not going on vacation,” ani Binay.

Tinanong ni Binay si Justice Sec. Jesus Crispin Remulla kung may kapabilidad ng ganito ang BI, na nasa ilalim ng pangangasiwa ng DOJ.

Tugon ni Remulla, nasa proseso na sa kasalukuyan ang paggamit nila ng makabagong teknolohiya sa pamamagitan ng paggamit ng electronic gate (e-gate)  sa lahat ng international airports sa bansa.

 

 

TAGS: BI, binay, DOJ, human trafficking, BI, binay, DOJ, human trafficking

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.