357 barangays tinukoy na ng PNP na “BSKE red spots”

FILE PHOTO

Ilang araw bago ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE), tinukoy ng pambansang pulisya ang 357 barangay bilang nasa “red cartegory.’

Nabatid na 70 porsiyento ng mga naturang lugas ay nasa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Nangangahulgan na ang mga naturang barangay ay “areas of grave concern,” samantalang may 1,323 naman ang napabilang sa “orange category” o areas of immediate concern.

Paliwanag ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo ang nasa “yellow category” ay “areas of concern” dahil sa kasaysayan ng mga insidente sa mga nakalipas na eleksyon, presensiya ng partisan armed groups at naideklara na ng Commission on Elections (Comelec).

May 1,231 barangays naman ang nasa “yellow category.”

Paliwanag ni Fajardo maisasa-pinal ang listahan sa pulong ng Joint National Security Control Center na magusumite ng rekomendasyon sa Comelec para sa pinal na pag-apruba.

Read more...