P200 dagdag kita sa P1 jeepney provisional fare hike
Naging epektibo kahapon, Oktubre 8, ang P1 provisional fare hike sa mga pampasaherong jeep at mangangahulugan ito ng P200 karagdagang kita sa mga driver.
Ito ang sinabi ni Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) national president Mody Floranda.
Nilinaw din ni Floranda na hindi na kailangan pa na maglagay ng fare matrix sa loob ng jeepney.
Aniya sapat na ang paglalagay ng anunisyo para malaman ng mga pasahero na P13 na ang minimum fare sa regular jeepney at P15 naman sa modern jeepney.
Aminado si Floranda na ang pansamantalang dagdag-pasahe ay maari din agad bawiin ng gobyerno kapag bumaba na ang halaga ng krudo at iba pang produktong-petrolyo.
Ang pagsirit ng presyo ng krudo ang pangunahing dahilan kayat humingi ang transport groups ng provisional fare hike sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.