DMW, OWWA pinakilos para saklolohan ang mga Pinoy sa Israel

By Jan Escosio October 09, 2023 - 06:46 AM

IDF PHOTO

Pinakilos ni Pangulong Marcos Jr., ang Department of Migrant Workers (DMW) at ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para matiyak ang kaligtasan ng mga Filipino sa Israel kasunod nang sorpresang pag-atake ng militanteng Hamas.

Ayon sa Presidental Communications Office (PCO) partikular ang utos ng Punong Ehekutibo na hanapin ang lahat ng overseas Filipino workers (OFWs) at ang kanilang pamilya na nasa Israel.

Nabatid na may 450 Filipino sa South Israel at Gaza Strip, kung saan napa-ulat ang matitinding engkuwentro ng mga puwersa ng Israel at Hamas group.

Itinanggi naman ni Foreign Affairs Asec. Paul Cortez ang napa-ulat na isang Filipino agricultural student ang natangay ng Hamas.

Aniya ligtas ang lahat ng 1,500 Filipino agricultural students sa southern Israel.

Base sa mga pinakahuling ulat, umabot na sa 1,000 ang nasawi sa ginawang pag-atake ng Hamas.

TAGS: DMW, Hamas, israel, OFWs, OWWA, DMW, Hamas, israel, OFWs, OWWA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.