PPA, Customs iniimbestigahan ang “shipment” ng 2 bangkay sa Thailand

Magkahiwalay na iniimbestigahan ng Philippine Ports Authority (PPA) at Bureau of Customs (BOC) ang pagpapadala sa Thailand ng dalawang bangkay mula sa Pilipinas.

Ang mga naagnas na bangkay, isang lalaki at isang babae, ay isinilid sa container van at sakay ng isang barko na umalis sa bansa noong Setyembre 23 at dumating sa Laem Chabang Port sa Thailand makalipas ang limang araw, base sa paunang impormasyon mula sa PPA.

Nabatid na walang laman ang container van nang umalis sa Pilipinas at nadiskubre na lamang ang mga bangkay nang lilinisin na ito Thailand noong Oktubre 2.

May suot na gintong singsing ang babae, samantalang may mga tattoo sa dibdib, likod at balikat ang lalaki. Isang itim na t-shirt na may tatak ng marka ng isang fraternity ang nadiskubre din sa loob ng container van.

Naniniwala ang PPA na naisilid ang mga bangkay sa container van bago ito naipadala sa Thailand.

 

 

 

 

Read more...