Pasok sa ilang eskuwelahan sinuspindi dahil sa Taal vog
Ilang lokal na pamahalaan sa Batangas at isa sa Laguna ang nagdeklara ng suspensyon ng mga klase sa mga paaralan dahil sa “vog” mula sa Bulkang Taal.
Wala ng pasok ngayon sa mga paaralan sa Calaca, San Jose, Batangas City, San Pascual, San Luiz, Lemery, Bauan, at Agoncillo.
Gayunpaman, magpapatuloy ang mga klase sa pamamagitan ng modular at online classes.
Sa Laguna, sinuspindi na ng pamahalaang liungsod ng Calamba ang klase sa mga paaralan bagamat nag-shift lamang sa online o moduilar classes.
Magugunita na noong nakaraang Setyembre, sinuspindi din ang mga klase sa mga paaralan sa Batangas, Cavite, Laguna maging sa Metro Manila dahil sa “vog” mula sa usok na ibinubuga ng Bulkang Taal.
Ayon sa mga eksperto, ang vog, na isang uri ng acidic gas, ay maaring makasama sa kalusugan kapag nalanghap lalo na ng mga kondisyon sa baga at paghinga.
Nananatiling nasa Alert Level 1 ang Bulkang Taal, na nangangahulkugan na ito ay ay nasa abnormal kondisyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.