FOI bill, isa sa mga nakapilang panukala na ihahain sa 17th Congress

By Isa Avendaño-Umali June 28, 2016 - 11:58 AM

Pila ng upuan ng mga Kongresista na maghahain ng bills/Isa Umali
Pila ng upuan ng mga Kongresista na maghahain ng bills/Isa Umali

Isa pang Mambabatas ang nagkumpirma na maghahain ng bagong bersyon ng Freedom of Information o FOI bill sa 17th Congress.

Ayon kay Ifugao Rep. Teddy Baguilat, isa ang FOI bill sa mga unang House Bill na kaniyang ihahain sa pag-uumpisa ng bagong Kongreso.

Matatandaan na isa si Baguilat sa mga masigasig na nagsusulong ng FOI bill, gayunman, makailang beses na pinatay ang panukala sa Kamara.

Ayon kay Baguilat, mas malakas na ang kanyang loob ngayon sa pagtutulak ng FOI bill dahil sa hayagang pagsuporta rito ni President-elect Rodrigo Duterte.

Sa kabila nito, sinabi ni Baguilat na bagama’t ikinalulugod niya ang planong pag-iisyu ni Duterte ng Executive Order o EO para sa FOI bill, mas may bigat pa rin aniya kung magiging ganap itong batas.

Paliwanag ni Baguilat, kapag isang batas ang FOI, mas may ngipin ito para maisakatuparan ang karapatan ng publiko sa mga impormasyon sa gobyerno, tulad ng mga transaksyong may pampublikong interes.

Higit sa lahat, sinabi ni Baguilat na ang isang FOI law ay mag-institutionalize ng transparency at accountability sa lahat ng sangay ng pamahalaan.

Matatandaan na bigong maipasa noong 15th at 16th Congress ang FOI bill, kahit pa inaako ng Aquino administration na suportado nito ang panukala.

 


 

TAGS: 17th congress, 17th congress

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.