Mga estudyante mula sa University of the Philippines-Visayas Tacloban at University of San Jose-Recoletos sa Cebu ang naging topnotcher sa September 2023 Certified Public Accountants licensure examination.
Ayon sa Professional Regulatory Board, number one sina Allaine Collamar ng UP-Visayas Tacloban at Heban Tawantawan ng University of San Jose-Recoletos matapos makakuha ng 91.17 percent.
Nasa ikalawang puwesto naman si Frances Foronda ng Isabela State University – Echague na nakakuha ng 90.50 percent.
Nasa 2,740 mula sa 8,734 examinees ang nakapasa sa pagsusulit.
MOST READ
LATEST STORIES