Walang pagtataas sa presyo ng bigas hanggang sa pagpasok ng taong 2024.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa, sapat ang suplay ng bigas ngayon sa bansa.
Sabi ni de Mesa, aabot sa 77 na araw ang national inventory stocks at inaasahang aabot pa sa 94 na araw pagpasok sa buwan ng Nobyembre.
“So, maaasahan po natin na maganda at malaki po iyong national inventory natin ng bigas … Maasahan po natin na talagang sapat at maganda at matatag po ang supply ng bigas natin na maaasahan po natin hanggang sa pagpasok po ng susunod na taon na 2024,” pahayag ni de Mesa.
“Mataas o bumper iyong ating harvest ngayong wet season. Magmula po noong katapusan ng Agosto, ngayong Setyembre hanggang Oktubre, hanggang sa Nobyembre po ay inaasahan po natin na talagang – wala po tayong inaasahan na pagsipa pa ng presyo,” dagdag ng opisyal.
Una nang binawi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang price cap sa regular at well-milled rice.
“At kung papasok pa po iyong additional imports natin, nitong huling buwan ng Setyembre, pumalo po ito sa mahigit 271,000 metric tons at historically ay marami pa rin naman iyong pumapasok na imports sa last quarter na bahagi ng taon,” pahayag ni de Mesa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.