Marcos sa Gilas Pilipinas: Proud ang mga Pinoy ngayon

 

Nagpaabot ng pagbati sa Gilas Piliinas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ay matapos masungkit ng Gilas Pilipinas ang gintong medalya at talunin ang Jordan sa iskor na 70-60 sa men’s basketball sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China.

Sabi ni Pangulong Marcos, batid niya na bawat Filipino ay proud na matawag na Filipino ngayon.

“I know every Filipino is proud to be called one today. Congratulations, Gilas Pilipinas, on this incredible feat!” pahayag ni Pangulong Marcos.

Nanalo ang Gilas Pilipinas matapos makapuntos si Justin Brownlee ng 20.

“Your hard work continues to elevate Filipino athleticism and sportsmanship to the global arena,” sabi ni Pangulong Marcos.

Matatandaang personal pang nanood si Pangulong Marcos sa laban ng Gilas Pilipinas sa Philippine Arena sa Bulacan noong Agosto para sa FIBA Game.

 

Read more...