Pangulong Marcos nakatutok pa rin sa paglikha ng trabaho

 

Patuloy na pagsusumikapan ng Palasyo ng Malakanyang na bigyan ng maayos na trabaho ang mga Filipino.

Pahayag ito ng Palasyo ng Malakanyang matapos bumaba sa 4.4 percent ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho noong Agosto 2023 kumpara sa 5.3 percent na walang trabaho noong Agosto 2022.

Ayon sa Presidential Communications Office, high-quality at well-paying job opportunities ang ibibigay ng gobyerno sa mga manggagawa.

Sabi ng PCO, ang nilagdaang batas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na TRabaho para sa Bayan Act ang dahilan kung kaya dumami ang oportunidad.

Bukod dito, malaking tulong din ang inaprubahan ng Senado na Public-Private Partnership (PPP) Act at launching ng National Innovation Agenda and Strategy Document (NIASD) for 2023-2032 na tiyak na lilikha ng trabaho.

“By focusing on these key initiatives, the government aims to propel the nation toward a more resilient and prosperous future, ensuring that the Filipino workforce not only survives but thrives in an evolving job market,” sabi ng PCO.

 

Read more...